Kamatayan

Wag kang mag-alala, hindi ako magsusulat ng kung anumang karumal-dumal. Ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa.

Iyon ang paksa namin ngayon sa Pilosopiya. At bilang isang kabuuan, ayon sa isinulat ni Heidegger, ang kamatayan ang nagtatapos ng posibilidad ng tao maging dahil tinatanggal nito ang tao sa mundo, inihihiwalay sa mga relasyong kasama nito at kaugnay nito nawawala ang kakayanan ng tao baguhin ang mga nasa paligid niyang being (sorry, di ko alam tagalog)–kasama na rin ang pagbabagong kaya niyang gawin sa sarili.

Kanina bad vibes ako bago umuwi kasi nabigo na naman ako sa isang bagay na gusto ko. Pero sabi ni *toot* makakabawi pa naman. Sa totoo lang nung una ‘di ko gaano nagustuhan ‘yung sagot nya dahil nga down na lang talaga ako. Pero pagdating ko sa bahay tatlong balita agad ng mga taong naaksidente sa daan ang bumulantang sa’kin. Pasalamat nalang ako’t may pagkakataon pa’kong gawan ng paraan ang mga bagay-bagay.

Isinusulat ko rin ito dahil pakiramdam ko nakakapang-insulto yung ginagawa ng isang kandidato sa paggamit ng pagkamatay ng isa niyang kapatid sa pangangampanya. Hindi ko pa nararanasang mamatayan ng kamag-anak pero pakiramdam ko nakakaasar na nagagamit bilang paawa ang pagkamatay ng kapatid niya. Nakakainsulto ‘to (sa tingin ko lang a) sa mga kamag-anak niya kasi nagiging kagamitan ang pagkawala ng isang tao sa pangangampanya. Ewan ko, hindi ko malamang ano mismo ang ipinuputok ng butsi ko pero ayun. Hindi ko lang matanggap ‘yon.

Nakakainsulto rin siguro sa mga taong nakaranas na nga talaga ng ganun, na namatayan dahil walang maipanggamot sa kapatid. Parang ano lang siguro reaction nila…parang ganito:

Picture not mine, just got from Facebook

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.